Monday, December 13, 2010

Sorry Mama

Buhay nga naman hanggang kelan kaya ako ganito...
Hanggang kelan kaya?
Hanggang kelan ba matatapos ang pagiging anak, haggang kelan matatapos ang pagiging magulang? Hindi ko alam kung nabubuhay lang tayo para pagbayaran ang utang na loob natin. Hindi ko pa nga talga alam kung bakit na bubuhay ako, di pa nga.

Sorry Ma, masama akong anak =( pero alam ni lord mahal kita ikaw lang ang kakampi ko sa lahat. Minsan alam ko sumusobra na ako. Ang hirap pag marami ka ng alam, tatanungin mo lahat ng bagay magiging kumplikado mabuhay. Minsan masarap maging tanga, masarap maging mang-mang gumigising ang mga tanga ng nakangiti tuwing umaga samantalang ang mga may alam nagigising na kunot ang ulo nagmamadali dahil alam nila madaming nagaantay at madami dapat gawin. Katulad ngayon gusto ko na matulog di pa ako makatulog lalo pang di ako makatulog kakaisip na kailangan ko matulog anak nga naman ng tipaklong diba?

Masarap pumunta sa coffee shop, kaso pagpupunta ako doon dapat may kasama akong di ako kikakauspa msasarap matulog sa coffee shop =) Masarap matulog na alam mo umiikot ang mundo at wala siyang pakiaalm sayo habang tumutugtug ang BosaNova na musica para akong dinuduyan ng mga bawat kataga ng musica parang hele ng buhay, parang daing ng katotohanan mga katagang nakakaantok kasi totoo. Parang kataga sa Math Subject ko ng elementarya totoo kaya, nakakaantok pakingan si Mrs Paragas aantayin ko nalang ang paninda nya na green peace at cornic at kung ano-anong chichirya hehehehehe.Masaap ang mali parang chichirya lang iyon alam mong masama kain kaparin ng kain. Sa tingin ko ang buhay ay parang Tortilios kahit bumubula na ang bunganga ko dahil sa dami ng MSG na pumasok sa katawan ko pagnakita ko siya sa tindhan siya at siya parin ang bibilhin ko, kahit puro malas-malas kana sa buhay gusto mo parin ituloy kahit parang lason na ang dating. Pakiramdam ko ang ispiriito natin ay uhaw sa pasakit ng buhay, pakiramdam ko siya ang tunay dahilan bakit tayo buhay.

Naisip ko bakit ba ako nandito... Sabi ko nga tama na ang pagiisip magiging tanga na ako sa buhay ;). Mabubuhay ako ng walng pagtatanong. Magmamahal ako ng walang kapalit. Ngingiti tuwing paggising. Magpapasalamt sa may kapal.

Sorry Mama mahal na mahal kita :*.
Pangako bibilhin ko ang Prigider na pangako ko:).